Surprise! Surprise!
Posted by
Racquel Balao-as
on Tuesday, February 20, 2007
Papasok ako kanina sa aking iskul nang mamataan ko ang isang pamilyar na mukha. Nakadama ako ng panandaliang paghinto ng pintig ng puso at pagbalik nito, mas mabilis na kaysa sa normal. Nakita ko si Kris, ang bespren ni *toot*... napangiti na lang ako. Dati kasi, nung mga panahong maraming tanong sa isip ko tungkol sa biglaang pagkawala (o pag-alis) ni tae, gustong gusto kong makita si Kris. May mga pagkakataon pa ngang tumatambay ako sa Freedom park para lang hintayin ang kanyang pagdaan. Gumawa pa ko ng sulat para kay tae dahil alam kong halos araw-araw silang kung magkita. Pero kanina...
Dumaan lang ako sa harapan nya. Hindi ko alam kung nakita nya ko... kasama ko kasi ang kaklase ko sa P.E nun kaya hindi ko na rin nagawa pa siyang lapitan. Midterm exam kasi namin sa P.E.
Dumaan muna ako sa opisina ni Doms para ibalita ang nangyari. Sabi ko sa kanya, gusto kong lapitan si Kris, pero may posibilidad kasi na hindi nya rin ako kausapin (baka tulad din sya ni tae). Wala naman syang masyadong reaksyon, sabi nya lang, "bakit hindi mo lapitan?" sagot ko, "hindi na rin yata kasi ako interesado malaman pa ung mga bagay na gusto kong malaman noon eh.." dumating si Jen at iniwan ko na sila.
Pumunta kaming ARH bldg dahil doon daw kami mag-eexam. 4th floor un kaya nag elevator na kami. Pagpasok ko, nandun si Kris. Nginitian nya ko, nginitian ko din naman sya, pero yun lang. Hindi nya gusto magsalita, ayoko rin namang magsimula. Alam ko marami syang alam. She knows the answers to all of my questions. Sadly, I'm not interested in knowing the answers anymore.
I'm happy. I thought seeing Kris will be like facing the King of Pain again. I was wrong. I actually felt as if I'm the one who should be asked a lot of questions. "Ok k n b?" "Kumusta ka na?" Hehe. Ma-feeling lang?
Ang gaan ng loob ko. Ang gaan-gaan ng feeling. Uy, itutuloy nyang ikanta yan... hehe.

No comments:
Post a Comment