Mga Sulat Pt 1

1231

Tinignan ko ang mga larawan. Nagbalik tanaw sa nakaraan.
Anuman itong aking naramdaman, ang ilang taon ay parang kahapon lang.

Wala na ang sugat ngunit nasa alaala ang kirot
Patuloy na nagtatanong kahit wala na ang may hawak ng sagot.

Hindi naman talaga ikaw ang dahilan ng sakit
Ang hirap lang talaga tanggapin na madali akong saktan at limutin

===

1206

Salamat sa walang sawang pagmamahal. Wala kang katulad. Ang dami dami dami kong gustong sabihin tungkol sa iyo pero hindi ko pa rin mahanap ang pinakatamang salitang pang-abay na tutukoy kung ano ka at ano ka para sa akin. Ganito na lang, angkinin mo ang pinakamagandang mahahanap mo at bibigyan na lang kita ng karapatan. You've earned it.

===

0928

Salamat sa pagiging inspirasyon. Ano mang landas ang iyong tahakin, ano mang lugar ang tinatanging patunguhan, sino man ang iyong isama sa iyong paglalakbay, at iwan ka man nya, hinding hindi ka mag-iisa. Marami kaming nagmamahal sa iyo.

No comments: