disconnected
Posted by
Racquel Balao-as
on Sunday, October 16, 2005
no posts for the past few days, guess why.
been too lazy to post anything?
no.
too busy?
nah.
no story to share?
definitely not.
here's why?
thursday night, nagkagulo kasi may pumutok na linya ng kuryente sa labas. muntik pa daw magkasunog. after some inquiries made, napag-alaman namin na sa aming neighborhood pala ang pumutok na yon.. dahil sa mga jumpers.
dahil sa mga jumpers na ito, pang-apat na araw na namin ngayon na walang kuryente. sobrang nakakabwisit talaga. ngayon nga ay nasa isang computer cafe ako, dito inilalabas ang apat na araw na itinago na mga thoughts. kailangan ko pa tuloy gumastos.
dahil sa mga jumpers na ito, maraming naperwisyo. hindi makaplantsa ang mga dapat pumasok sa trabaho at school. walang makapanood ng pinoy big brother. hindi makatulog ang mga tao sa gabi dahil walang eletric fan, mainit at maraming lamok. hindi ako makapag-basa at makapag-sulat sa gabi, ang tanging hilig kong gawin sa gabi. walang radyo, i miss music so much.
ayaw pang ikabit muli ang aming linya at kailangan pa naming hintayin ang meralco inspector dahil nga baka mangyari ulet ang muntikang pagkasunog...
dahil sa mga jumpers.
nakakalungkot kasi nagkaalaman kung sino ang mga nakakabit at nagkakabit ng mga jumpers na yon. nakakalungkot kasi kakilala namin sila, nginingitian kapag nasasalubong sa daan. tao naming pinapatunguhan pero ilang taon na pala kaming pinagtatawanan kapag kami ay nakatalikod na dahil para bang napakadali naming lokohin at nakawan.
ang sa akin naman, wag kang gumamit ng serbisyong hindi mo kaya o ayaw mong bayaran. kami ang nagbabayad nang matino. pinagpapawisan ang perang ibinabayad at hindi pinupulot. kaya sana naman...
tigilan na ang panloloko ng tao.

1 comment:
thanks!!! -rakel
Post a Comment