better education daw oh...

I have learned silence from the talkative, toleration
from the intolerant, and kindness from the unkind;
yet, strange, I am ungrateful to these teachers.


-- Kahlil Gibran

ang aking kabastusan, bow...


siguro nga, naging bastos ako nung kunin ko sa ibabaw ng mesa ang aking test paper nang pabigla na may kasamang biglang talikod. Pero wala akong intensyong bastusin ka. Nung ipinaalam mo sa akin na nabastos ka sa aking ginawa, anong ginawa ko? Huminto ako at sinabing "I'm so sorry, Sir"

Anong ginawa mo? Pinahiya mo ako sa klase. Sinabi mo na bastos ako at walang modo, OO cge, tanggap ko. Sinabi mo na dinadala ko sa pamantasang iyon ang aking ugaling iskwater, oo cge, tatanggapin ko ulet. Sinabi mo na kahit pagsamahin ang uri ng edukasyon na nakamit ng aking mga magulang, hindi yaon maipapantay sa taas ng edukasyon na nakamtan mo.

Maaari ngang ganon, na mas marami kang alam. Pero nagpapasalamat pa rin ako at hindi naging katulad mo ang aking ama at ina. My parents never allowed their selves to look down on people. We need education to learn not to look up to people, after we've achieved that, the next step is to get more education so we won't look down on people. You need to be further educated, Sir. Sana hindi lang punctuations, grammar or spelling ang kaya nyong i-correct, sana pati ung mga maling gawi nyo, tulad ng pananakit ng damdamin at pag-apak sa pagkatao ng iba.

Hindi kita sinagot, dehil personal kang umatake. May posibilidad na ibagsak mo ako sa klase, kasi nga, hindi ka isang propesyonal. Hindi mo matatanggap na mali ang ginawa mo.

Self-righteous asshole.

Pinagmukha mo man akong kawawa, doon lang yon sa loob ng silid na yon at sa mga oras din lang na yon. Eh ikaw?

Respeto? Don't ask for things you really don't deserve.

No comments: