Last Leaf

dahan dahan bumabagsak
pasaliwa't umiikot
kamay na namamaalam
dahil lupa ang iyong langit

kung napigtal ka't humiwalay
hangin ba ang sakim
na nagbigay daan upang bumigay
ang mahina kong tangkay?

o kusa kang umalis
lumaya sa pagkakahawak
ng isang punong umiibig
sa nag-iisang dahon na mayroon siya

nakakatayo ang puno
mawala man bunga at mga dahon
ngunit sa pag-iisa, hindi mawawala
ang pagnanais na magbigay halaga

walang hanggang paghihintay sa bukas
darating pa ang dahong muling makakasama

No comments: