hi exams!

ang utak ko, bow

ang utak ko
sa isip ko ay bobo na,
hindi pala, hindi pala,
natutulog lang pala!

^some idiotic rhymes that popped out of my mind while doing my SEA project.

Akala ko kasi sobrang hirap nya na hindi ko na kayang masagutan, hindi naman pala.

Ang Kwento ng Isang Imbentor (nabuo ko lang kagabi)

May isang imbentor (ako yon)
Nakagawa siya ng isang imbensyon (ano yon?)
Mahiwagang imbensyon
Nakagawa na rin nito ang iba pero iba-iba (ang gulo)
Binibigay nila sa iba lalo na sa pogi at maganda (peke naman minsan)
Hindi nakikita, parang hangin lang
Pero nakokontrol (minsan hindi), nakokontrol pero hazardous
Hazardous pero.. hmm.. nakakapagpasaya ng pakiramdam
Daig pa ang Bioweapons ni Saddam (o ni Bush)
Stop na ang giyera kung meron nito ang bawat isa
Hindi mo pwede bilhin pero hindi rin naman libre
dahil kailangan mong buuin mag-isa mo
o hingin sa iba (masakit pag hindi ka nabigyan di ba?)
namamatay ba ito?
hindi namamatay, napapalitan lang
oo, ganon nga ang imbensyon ng imbentor
na kinopya ko sa patent ng isa pang Great Inventor
pero ang imbensyon ko ay modified version
hindi kasing perpekto nung kay Great Inventor
marami na rin akong nagawang ganito noon
Yung iba tinanggap, ung iba tinanggihan
pero ok lang

matagal na tong nakatago
nilabas ko lang uli para makita
kung nandoon pa ba o nawawala na
ha? lumaki pa?
kailan ko kaya sayo to ipapakita?
o ipaparamdam nang lubusan
parang hangin
mamatay ba o mapapalitan lang?

*sigh o buntonghininga*
napangiti na naman ako nang bitter
maaalikabukan na naman lang

ending the flashbacks, I closed once again my treasure box where the supposed invention was hidden and said,

"Impossible"

No comments: