the value of values...
Posted by
Racquel Balao-as
on Wednesday, July 06, 2005
muntik nang masira ang araw ko habang pauwi ako galing school.. e kasi naman, marami akong nakitang mga katibayan na hindi na natin pinapahalagahan ang ating values. Una: nasa jeep ako, nakaupo malayo sa jeepney driver, tapos may sumakay na tatlong estudyanteng babae. Grabe, alam mo ba ang ginawa? Pinag-abot ako ng bayad kahit ang layo ko sa driver!! Maayos naman ang pagkakasabi nya, ganito: "paki-abot ng bayad." so, kahit parang naging basahan ang palda ko para lang maiabot ang kanilang bayad, inabot ko na rin nang buong puso (naks). Nung naiabot ko na, dun nako nabuwisit... ang tapang ng hiya! Hindi sila nag thank you. Pag sinabi mo bang "paki", may naka-attach na dun na isang invisible na "thank you"? Eto pa, pagka-baba ko ng jeep, may nakita akong lalaki na may bike, hinarap nya sa kabilang side ung bike nya. natamaan ng gulong ung babae na nandon malapit sa kanya (sakit non). you know what he did? wala. tiningnan nya lang yung girl na hinahawakan ung bodypart na natamaan nung bike. walang sorry, umalis siya.
thank you at sorry. hindi naman mahahabang salita di ba? so bakit parang napakahirap sabihin? bakit parang mahirap pa rin maalala? nakakainis.
thank you at sorry. hindi naman mahahabang salita di ba? so bakit parang napakahirap sabihin? bakit parang mahirap pa rin maalala? nakakainis.
No comments:
Post a Comment