good news and bad news

good news and bad news

bad news first, hindi natuloy ang swimming namin ng 4A. ewan ko kung matutuloy pa, sa April 16 na lang "DAW" (all caps na daw na may kasamang cliches pa) iba-iba ang naramdaman ko nung dumating ako kina leo na tatlong 4a lang dinatnan ko, at mas dumami pa ung naramdaman ko nung sumapit na ang gabi at nadagdagan lang ng dalawang 4a pa..

da mixed up feelings

nakakainis - kasi, hindi naman kami nagyaya ng swimming para lang may makasama sa pagsasaya o pag-uubos ng pera. Nagplano kami ng ganito para magkasama-sama naman kaming mga 4A this summer. Akala nila, wala lang kaming mapag-gamitan ng oras namin, kaya namin sila tinatawagan, kinukulit at tine-text para lang sumama sila. Minsan tuloy, gusto ko na ring isipin na nasasayang lang oras namin - pilit kami ng pilit, in the end of it all, taaddaannn!! hindi naman pala talaga sila sasama.

sana ung mga walang pera, magka-pera na. hindi ko naman kayo sinisisi, wala naman talagang mayaman sa atin.

nakakatuwa - kasi, na-save ko ung pera ko, wala pa kasi kaming pera ngaun, baka sa April 12 pa magpadala si mama. May na-save lang akong 300, pero okei na yun, nangutang pa ko ng 100 sa pinsan ko para madagdagan.. tsk,tsk.. para saan pa un? kaya ginamit ko na ngaun, pumunta kasi kami ngaun ng dalawa kong pinsan (si tanya and balong) sa Robinson's Place para ma-i-treat ko sila dahil pareho silang top-notchers sa school nila. kaya as of now, wala na akong pera. pag natuloy sa April 16 at hindi dumating ang pera namin, hindi na ako makakasama.

kung ano man ang nararamdaman ni JAKE ngaun, cguro un din ang nadarama ko ngaun. mahirap i-explain... bahala na.

good news:

sa wakas, nakagawa rin ng pop-up download area na nadagdagan ng isang video download. hindi scandal, politikal. nakakatuwa naman eh, kaya download nyo na... =D
it's a political ad of 2003, 30 seconds, makabuluhan, it's an anti-bush winning advertisement from moveon.org na naging kontrobersyal when CBS refused to air it on Super Bowl. Some screenshots:

Image hosted by Photobucket.com | Image hosted by Photobucket.com | Image hosted by Photobucket.com

No comments: