the weirdest thing..

I did the weirdest thing last night... bigla na lang akong umiyak.. dahil lang sa mga thoughts na tumatakbo sa isip ko. ang corny noh? kasi naman eh.. I'm really confused about something.. and I just remembered that damn thing Evita told me dati pa.. "Dapat *ano* ka na.. you deserved to be happy... mabait ka kasi eh.." not the exact words but it has the exact thought.. basta something to that effect.

HAHA. natatawa tuloy ako sa sarili ko ngaun.. yuck.. ang korni talaga.. yan tuloy, when I woke up this morning, parang ang bigat ng mga talukap ng mga mata ko. NAKAKAINIS, pinahirapan ko lang naman sarili ko sa ginawa ko.. bakit ba kailangan pang isipin un? una, hindi naman ako mabait.. hehe.. at kung mabait man ako, hindi naman siguro lahat ng mababait ay may lovelife.. hehe.. marami akong kilalang ganun eh..

But it felt good. Parang ang light ng feeling ko after sheding some tears..

gusto ko lang din i-share ung nagawa kong poem during that time.. another untitled poem.. kinda corny.. nah.. corny talaga, hindi pala kinda.. hehe.. pagtiisan nyo na lang



Akala ko pinagbuksan mo na ako ng pinto
Pinatuloy na ang damdaming nilalamig sa labas
Pinatikim ng konting init - ng iyong panahon
magkasamang tumatawa, masaya sa isa't-isa
Wala nang mahihiling pa sa mga yakap mong ibinigay...

Pero natauhan din,
nananaginip lang pala nang gising
nalaman nang bumitaw na naman ng luha ang mga mata
bumalik sa totoong buhay ang diwa kong mapantasya
at hinarap ang katotohanang mahal kita
at wala kang pakialam

No comments: