sentiments

mahirap kalimutan ang kasalanan ng ibang tao sayo kapag inuulit lang din naman at kailanman, di naman nila nagawang pagsisihan, dahil hanggang sa pinakahuli, iniisip pa rin nilang tama sila. Nakakalungkot isipin na kahit masakit balik-balikan ang mga ginawa nila sayo noon, wala kang magagawa kung hindi ang maalala lang lahat, kahit maliliit na detalye, dahil parang walang nababago... at nadadagdagan pa. Hindi ko man maipakita ang galit ko ngayon, alam kong later in my life, iisipin kong gumanti dahil gusto ko ring maipakitang tama din ako.. kahit minsan lang.

No comments: